Pagsabak ni Alvarez at Cayetano sa House Speakership race hindi suportado ni Sara Duterte

by Powered by DWIZ
0 comment
Pagsabak ni Alvarez at Cayetano sa House Speakership race hindi suportado ni Sara Duterte

Hindi susuportahan ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pagsabak nina Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez at Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano ang House Speakership race.

Ito ang tugon ni Mayor Inday sa gitna ng paglutang ng ilang pangalan na posibleng maging susunod na House Speaker kapalit ni dating Pangulo at outgoing Pampanga 2nd District Rep. Gloria Arroyo.

Ayon kay Carpio, hindi siya kumbinsido sa alok na pakikipag-ayos ni Alvarez at hindi rin nagustuhan ang banta umano ni Cayetano na kakalas sa administration coalition.

Ito’y kung ieendorso ng alkalde si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa pagka-speaker na maaaring makaapekto sa 2022 presidential elections.

—–

 

Related Posts