Pagpatay sa ilang mga local officials bahagi umano ng nalalapit na eleksyon

0
44

Naniniwala ang Malakanyang na may kaugnayan sa nalalapit na 2019 midterm elections ang mga nangyayaring pagpatay sa ilang lokal na opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque , bagama’t iba – iba ang nakikitang motibo sa pagpatay ay mapapansin na pawang mga pulitiko ang mga ito.

Sinabi ni Roque na isinasangkot sa ilegal na droga si  Tanauan City mayor Antonio Halili habang pulitika naman ang nakikitang anggulo sa pagpatay kina Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote at  Trece Martires Vice Mayor Alexander Lubigan.

Kaugnay nito , sinabi ni Roque na pinag – aaralan na ng Commission on Elections na agahan ang pagpapatupad ng gun ban.