Pagpasok ng foreign workers sa bansa hihigpitan na

Pagpasok ng foreign workers sa bansa hihigpitan na

by Powered by DWIZ
0 comment 58 views

Hihigpitan na ngayon ng gobyerno ang pagpapapasok ng mga foreign worker sa Pilipinas.

Ito’y matapos batikusin ng ilang grupo ng mga manggagawa ang ulat na dumarami na ang banyagang manggagawa sa bansa.

Ayon kay DOLE-Bureau of Local Employment Dir. Dominique Rubia-Tutay , binago na ng ahensya ang mga patakaran sa pagkakaroon ng special working permit ng mga foreigner, kung saan dati ay nire-renew lamang ng mga kumukuha nito.

Ani Tutay, hanggang anim na buwan na lamang maaaring makapagtrabaho ang isang dayuhan sa bansa.

Papayagan aniya lamang ito na ma-extend kung mayroon itong alien employment permit, ngunit dapat nitong mapatunayan na siya ay isang regular na empleyado ng kumpanya.

Kaugnay nito, obligado na rin silang kumuha ng tax identification number (TIN).

Samantala, para naman umano sa mga kumpanya na magha-hire ng foreigner na empleyado, dapat munang kumuha ang mga ito ng certificate of no-objection sa DOLE.

Ito ay para matiyak na magiging prayoridad ang mga Pinoy sa lahat ng posisyon na iaalok ng mga kumpanya.

0 comment

Related Posts