30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Pagpasa sa Expanded Maternity Leave Law pinapurihan

- Advertisement -

Pinapurihan ng grupong Nagkaisa Labor Coalition ang manggagawang babae sa lahat ng bansa sa tagumpay na palawigin  ang paid maternity leave ng 105 araw.

Ayon sa Nagkaisa,  maraming pagbabago lalo sa mga ina ang idudulot ng karagdagang 45 araw sa ilalim ng Expanded Maternity Leave Act o EML.

Maihahalintulad anila ang paglalakbay ng bagong batas sa pagbubuntis ng isang ina na matapos ang lahat ng hirap sa pagdadalang tao ay nagsilang ng kanyang anak.

Samantala, inihayag naman ni Senador Risa Hontiveros, isa sa co-author at proponent ng EML Act na mapakikinabangan ang naturang batas ng susunod pang henerasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -