Pagpasa ng death penalty sa senado tiniyak ni SP Sotto

Pagpasa ng death penalty sa senado tiniyak ni SP Sotto

by Powered by DWIZ
97 views

Tiyak na mabilis lamang papasa sa senado ang mga panukalang batas na ibalik ang parusang kamatayan.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto lll, tatlo hanggang apat na panukala ang nakahain sa senado kung saan limitado lamang sa high level drug trafficking at plunder ang sakop ng parusang kamatayan.

Malabo anyang masabi na anti-poor ang panukala dahil mga big time lamang na drug traffickers ang sakop nito.

Samantala, malabo anyang pumasa ang nais ng ilang senador na bitay sa pampublikong lugar o firing squad dahil malinaw sa konstitusyon na dapat ay ‘humane’ o makatao ang sistemang gagamitin sa parusang kamatayan tulad na lamang ng lethal injection.

0 comment

Related Posts