29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Pagpapatupad ng yellow lane police sa EDSA pinaigting

- Advertisement -

Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mas mahigpit na pagpapatupad ng yellow lane policy sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay EDSA Traffic Chief Bong Nebrija, mismong kanilang mga enforcers na ang tumatayong human barricades para mahiwalay ang mga pampasaherong bus sa mga pribadong sasakyan.

Paliwanag ni Nebrija, nabura na kasi ng mga isinagawang reblocking sa EDSA ang mga yellow lanes na naghihiwalay sa mga pribado at pampublikong sasakyan.

Aniya, halos dalawang libong (2,000) motorista ang nahuhuli ng MMDA na lumalabag sa yellow lane policy kada araw kung saan pitumpung (70) porsyento rito ay mga private vehicles.

Sa ilalim ng yellow lane policy, nakalaan lamang ang unang dalawang kanang lane sa kahabaan ng EDSA sa mga pampasaherong bus at maaari lamang itong gamitin ng mga pribadong sasakyan kung sila’y papasok sa right intersection.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -