Pagpapataw ng dagdag na buwis sa imported rice pinagaaralan na ng D.A

Pagpapataw ng dagdag na buwis sa imported rice pinagaaralan na ng D.A

by Powered by DWIZ
0 comment 19 views

Pinag aaralan na ng Department of Agriculture o D.A ang pagpapataw ng dagdag na buwis sa mga imported na bigas.

Ito ay dahil di hamak na mas mura ang halaga ng imported rice kumpara sa presyo ng mga lokal na bigas sa mga pamilihan.

Epekto ito ng pagpasok ng milyun-milyong metriko tonelada ng imported na bigas sa merkado na nagpabagsak naman sa presyo ng lokal na palay.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Agriculture Sec. William Dar na patuloy na kumikilos ang ahensiya upang masolusyunan ang naturang problema.

0 comment

Related Posts