Pagpapasara sa lahat ng Chuzon Supermarket sa Pampanga ipinag-utos

Pagpapasara sa lahat ng Chuzon Supermarket sa Pampanga ipinag-utos

by Powered by DWIZ
96 views

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tigil-operasyon ng lahat ng Chuzon Market sa Pampanga.

Ito’y matapos mapag-alaman ng pangulo na ang business permit ng naturang gusali ay hanggang ikalawang palapag lang ngunit ito ay umabot sa apat na palapag.

Naging kuwestiyon din para sa pangulo kung bakit mabilis na gumuho ang naturang supermarket gayung apat (4) na taon pa lamang ang operasyon nito.

Sa ngayon ay hihintayin pa ang resulta ng isinasagawang assessment sa naturang pamilihan.


May-ari ng Chuzon Supermarket sa Porac, nasa kustodiya na ng pulisya

Nasa kustodiya na ng pulis ang may-ari ng gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga matapos tumama ang 6.1 na lindol nitong Lunes.

Maliban kay Samuel Chu na may ari ng naturang supermarket, kabilang din ang assistant manager nitong si Kaye Toledo upang matanong din hinggil sa pagguho ng gusali.

Kasalukuyan namang inaalam na ang pagkakakilanlan ng contractor at engineer ng nasabing establisyemento upang maimbestigahan din sa naturang insidente.

0 comment

Related Posts