33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Pagpaparusa sa mga nuisance candidates isinusulong

- Advertisement -

Isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagpaparusa sa mga nuisance candidates.

Nakasaad sa Senate Bill 911 ni Gatchalian ang pagpapa multa ng 50,000 piso sa sinumang mapapatunayang pinaglalaruan ang proseso ng eleksyon partikular ang paghahain ng COC o Certificate of Candidacy.

Tatangkaing amiyendahan ng nasabing panukala ang ilang bahagi ng omnibus election code para magkaroon ng kapangyarihan ang COMELEC sa pagtanggap ng mga kandidato.

Sinabi ni Gatchalian na naabuso ang proseso kaya’t bumubuhos ang mga naghahain ng kandidatura kung saan karamihan ay nagsusumite lamang ng COC para sumikat o magpasikat.

Partikular na tinukoy ni Gatchalian ang isang Charlie Talledo na nagpakilalang siya si Jesus Christ, ang regular filer na si Daniel Magtira na nagsasabing dating ka relasyon ni Kris Aquino at isa pang nagsabi namang dating boyfriend ni Mocha Uson na si Anson Tuana.

(with report from Cely Ortega- Bueno)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -