Pagpapalit ng bagong pelikula sa mga sinehan sa bansa Biyernes na

by Powered by DWIZ
0 comment
Pagpapalit ng bagong pelikula sa mga sinehan sa bansa Biyernes na

Mula sa dating Miyerkules ay gagawin ng Biyernes ang pagpapalit ng bagong pelikula sa mga sinehan sa buong bansa.

Ito ang nilalaman ng memorandum circular ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) kasunod ng naging diyalogo nito sa mga film producer, distributor at theater owners nitong mga nakalipas na buwan.

Ayon kay FDCP Chaiperson Liza Diño, layon ng naturang kautusan mas makahikayat ng mas maraming manonood ng sine sa weekend.

Binibigyan din nito ng garantiya ang isang pelikula na maipalabas ng unang tatlong araw o ang araw ng Biyernes hanggang Linggo.

Aniya, marami kasing pagkakataon na pinu-pull out na sa sinehan ang mga mahihinang pelikula at hindi na nabibigyan pa ng tiyansa na makaabot ito ng weekend.

Sa ilalim din ng naturang kautusan, ay pagbabayarin na lamang ng dalawang daang piso ang mga manonood na estudyante edad 18 taong gulang pababa habang maximum na P150 naman sa mga probinsya.

Iiral na ang naturang kautusan 15 araw matapos itong mailathala sa mga pangunahing pahayagan sa bansa.

Related Posts