27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Pagpapakalat ng mga human rights officer sa SONA ni Pangulong Duterte welcome sa CHR

- Advertisement -

Welcome sa CHR o Commission on Human Rights ang pagpapakalat ng mga human rights officer sa Batasang Pambansa para sa SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay CHR Atty. Jacqueline De Guia, umaasa silang po-protektahan ng mga naturang operatiba ang karapatang pantao ng lahat ng makikiisa sa mga ikakasang kilos protesta, ngayong araw.

Kaugnay nito, umaasa rin si De Guia na hindi lang tuwing SONA magbabantay ang mga naturang human rights officer.

Samantala, tiniyak rin naman ni De Guia na magpapakalat sila ng mga kinatawan upang imonitor ang sitwasyon ng mga aktibidad ngayong araw ng SONA.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -