30.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Pagpapa-deport kay Sr. Patricia Fox ipinag-utos ng BI

- Advertisement -

Ipinag-utos na ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapa-deport kay Sister Patricia Fox.

Batay sa sampung pahinang order na inilabas ngayong Huwebes, lumalabas na nilabag ni Fox ang ilang mga panuntunan sa pagkakalaob sa kanya ng missionary visa.

Inatasan din ng BI na isama ang pangalan ni Fox sa Immigration blacklist. Dahil dito, hindi na maaaring bumalik ng bansa ang Awstralyanong madre.

Magugunitang inakusahan ng Pangulo si Fox na nakiki-alam sa mga usaping panloob ng Pilipinas kaya’t ipinag-utos ang pagpapaalis dito.

Paliwanag ng Pangulo, ipinapatupad niya lamang ang inilabas na kautusan ng noo’y kalihim ng Department of Justice o DOJ at ngayo’y Senadora Leila de Lima na nagbabawal sa sinumang dayuhan na makilahok sa mga kilos protesta.

Ulat ni Bert Mozo (Patrol 3)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -