Pagpa-Sabog Sa Cotabato-Maraming Anggulo Ang Tinutokan Ng Kapulisan

by RPN
0 comment
Pagpa-Sabog Sa Cotabato-Maraming Anggulo Ang Tinutokan Ng Kapulisan

General Santos City—maraming angulo ang sinisundan ngayon ng kapulisan sa nangyaring pag-bobomba sa Lungsod ng Cotabato City sa  bispiras ng bagong taon sa isang mall na may naulat na namatay ang dalawang biktima at  34 sugatan.

Ayon  ky Police Chief Supt. Eleseo Rasco ang Regional Director ng PRO-12 na una na nilang tinutotokan ang hangarin na paghihiganti nang teroristang grupo na BIFF laban sa mga militar, pangalawa ay isang political rivalry sa kasalukuyang Mayor at ang kaaway nito sa paparating na eleksyon, habang ang ikatlong ay pangingikil, sa pamamagitan ng paghingi ng pera ng mga suspect sa may-ari ng nasabing Mall at nang hindi nagbigay ay naging dahilan sa pagsabog.

Kasabay nito nagpapatuloy pa ang kanilang imbistigasyon sa kaso at    lumikha ng isang Special Investigation Task Group-South Seas na pinangunahan ni Police Sr. Supt. Eliver Enmodias ang Deputy Regional Director For Operation.

Related Posts

Leave a Comment