33.3 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Paglipad ng bagong helicopter ng PNP bahagyang nagka-aberya

- Advertisement -

Bahagyang nagkagulo sa 117th Philippine National Police anniversary sa PNP-Headquarters sa Camp Crame.

Ito’y makaraang matumba ang malaking LED screen sa entablado dahil sa lakas ng hanging dulot ng bagong helicopter ng PNP na nagsagawa ng flight demonstration.

Ipini-presenta ng PNP ang bagong Bell 428 chopper sa anibersaryo na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte nang biglang lumipad nang mababa ang aircraft malapit sa entablado.

Bagaman hinangin at nagtumbahan din ang mga tent, wala namang nasugatan sa naturang aksidente.

Marso lamang ng bilhin ng Pambansang Pulisya ang helicopter.

—-

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -