35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Paglaganap ng malalaswang imahe ng mga kababaihan tinututukan na sa SoKor

- Advertisement -

Tinututukan ngayon ng mga otoridad sa South Korea ang kaso ng ‘illicit filming’ o paglaganap ng malalaswang imahe ng mga kababaihan sa naturang bansa.

Ayon sa cyber investigation department, nasa halos 2,000 katao na ang palihim na kinuhanan ng litrato at video sa mga hotel rooms habang ito ay ipinapakalat sa internet.

nakatago umano ang mga spy camera sa loob ng mga digital TV box at wall sockets kung saan maaari pang mapanood ang mga video footage online.

Bilang tugon dito ay ikinasa ng Seoul ang special squad of women inspectors para magsagawa ng regular na inspeksyon sa halos 20,000 pampublikong banyo upang maghanap ng spy cameras.

Kinondena naman ng ilan ang naturang hakbang kaya’t patuloy na tinututukan ito ng mga otoridad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -