Pagkapanalo ni Vico Sotto iprinotesta

by Powered by DWIZ
0 comment
Pagkapanalo ni Vico Sotto iprinotesta

Iprinotesta ng mga taga-suporta ni Pasig City Mayor Robert “Bobby” Eusebio ang pagka-panalo ni Councilor Vico Sotto sa mayoralty race.

Ilang oras matapos ang proklamasyon ni Sotto, sumugod ang mga supporter ni Eusebio sa Pasig Sports Center upang kontrahin ang panalo ng bagong-halal na alkalde.

Batay sa resulta ng Comelec transparency server, nagwagi ang bagitong pulitiko sa botong 208 thousand 500 habang umani ng 121,000 votes ang incumbent mayor.

kabuuang 440,856 ang rehistradong botante sa nabanggit na lungsod.

Magugunitang tinuldukan ng bente nwebe anyos na si Sotto, anak ng mga beteranong aktor na si Vic Sotto at aktres na si Coney Reyes ang halos tatlong dekadang pamamayagpag ng pamilya Eusebio sa Pasig.

—–

Related Posts