30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Pagkakasama ng kapatid ni Napoles sa Malampaya scam pinagtibay

- Advertisement -

Pinagtibay ng Sandiganbayan ang pagkakasama ng kapatid ng tinaguriang pork barrel scam queen Janet Napoles bilang isa sa mga akusado sa Malampaya scam case.

Ibinasura ng Sandiganbayan ang motion to quash ni Reynald Lim dahil masyado pa umanong maaga para pagpasyahan ng hukuman kung nakipagsabwatan ba si Lim kay Napoles.

Si Lim at Napoles ay dalawa lamang sa 25 kinasuhan ng 97 kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Malversation of Public Funds sa pamamagitan ng pamemeke ng mga pampublikong dokumento.

Kabilang sa kanilang mga kapwa akusado sina dting Budget Secretary at ngayo’y Congressman Rolando Andaya at dating Agrarian Reform na ngayon ay Mayor Nasser Pangandaman.

Nag-ugat ang kaso sa di umano’y diversion ng 900 milyong pisong pondo mula sa Malampaya natural gas project na para sana sa relief operatiions, rehabilitasyon at reconstruction ng mga lugar na nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -