Pagkakasama ng ilang kandidato sa narco-list hindi makakaapekto sa kanilang kandidatura – Comelec

by Powered by DWIZ
0 comment
Pagkakasama ng ilang kandidato sa narco-list hindi makakaapekto sa kanilang kandidatura – Comelec

Tiniyak ngayon ng Commission on Elections na walang epekto sa kandidatura ng isang pulitiko ang pagkakabilang ng kanilang pangalan sa ipinalabas na narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, tanging ang mga may final conviction lamang ang maaaring madiskwalipika sa kanilang kandidatura.

Mangyayari ito kung nagawa na ang lahat ng proseso kung saan ay pinal nang nakapagdesisyon ang Korte Suprema.

Matatandaang ilan sa mga kabilang sa narco list ay mga kumakandidato sa iba’t-ibang lokal na posisyon para sa 2019 midterm elections.

Related Posts