27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Pagkakaroon ng Pinoy suicide bomber malaking hamon – Banloi

- Advertisement -

Isang malaking hamon ngayon sa mga otoridad ang pagkakaroon ng isang Pilipino suicide bomber.

Ito, ayon kay National Security and International Studies expert Professor Rhommel Banlaoi, matapos makumpirmang Pilipino ang isa sa mga suicide bombers sa naganap na pagsabog sa Indanan, Sulu.

Ayon kay Banlaoi, indikasyon ito na nagbabago na ang banta ng terorismo sa Pilipinas.

Paliwanag nito, ang nangyaring pagsabog sa Sulu kung saan nabatid na isang 23-anyos na Pilipino ang suicide bomber ay isang patunay na may kakayahan na ang isang Pilipino na magsagawa ng suicide attacks.

Sa ngayon, umaasa naman si Banlaoi na mapipigilan ng mga otoridad ang mga terorista na magsagawa ng kahintulad na pag-atake sa hinaharap.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -