Pagkakapasok ng mga pambato ng administrasyon tinawag na ‘resounding victory’

by Powered by DWIZ
0 comment
Pagkakapasok ng mga pambato ng administrasyon tinawag na ‘resounding victory’

Tinawag na “resounding victory” ng Malacañang ang pagkakapasok ng mga pambato ng administrasyon sa magic 12 ng senatorial race.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, patunay lamang ito na nais ng mga Pilipino na ituloy ang reporma ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, walang duda na iba ang “magic” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, nagpasalamat naman si Panelo sa mga sumuporta at bumoto sa mga pamabato ng administrasyon.

—-

Related Posts