31.7 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Paghati sa lalawigan ng Camarines Sur muling isinulong

- Advertisement -

Maagang isinusulong ng dalawang city councilor ng Lungsod ng Iriga ang paghahati sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ito ang nabatid ng Radyo Ronda RPN-DZKI Iriga matapos makapanayam si city councilor Atty. Ferdinand Diño at City Councilor Sonny Magistrado matapos simulant ang kanilang adbokasiya kasabay ng pag-aaral sa nabanggit na panukala.

Ayon sa dalawa, napakalaki na ng Camarines Sur at magka-minsan ay di na natutuonan ng pansin ang buong pangagailangan ng lalawigan.

Ang Camarines Sur ay binubuo ng 35ng bayan at isang component city na kung tutuisin mahirap maabot ng serbisyo ang ibang malalayong bayan.

Kung mangyayari ang isinusulong na panukala ng dalawa masasakop ng bagong lalawigan ang anim na bayan ng Buhi, Baao, Bula, Balatan, Nabua, Bato at ang lungsod ng Iriga na may humigit kumulang 480 libong mamamayan.

Ayon pa sa dalawa, pasado sa iba pang pamantayan upang maging ganap na bagong probinsya na tatawaging “Rinconada Province”.

M. Barayoga

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -