Pagharap ng Gilas sa Team Australia makakabuti

Pagharap ng Gilas sa Team Australia makakabuti

by Powered by DWIZ
0 comment 46 views

Makakabuti sa Philippine Basketball ang pagharap ng Gilas Pilipinas sa team ng Australia sa dalawang tune up games bago ang FIBA World Cup.

Paniniwala ito ni gilas Coach Yeng Guiao mahigit isang taon matapos ang rambulan sa pagitan ng Pilipinas at Adelaide 36ers.

Sinabi ni Guiao na makakatulong ang kanilang friendlies bukas at sa araw ng linggo para makapag move on na ang dalawang panig sa naging pisikal na sagupaan.

Maliban dito inihayag ni Guiao na magandang pagkakataon ang kanilang pagharap sa 36ers dahil isa ang nasabing team sa magagaling na koponan sa national basketball league ng Australia na mayroong apat na championship title.

Tiniyak naman ni 36ers Head Coach Joey Wright na hindi na mauulit ang girian ng dalawang team kasabay ang pagsasabing tutulungan nila ang gilas na maging mas malakas na team bilang paghahanda para sa world cup sa China.

0 comment

Related Posts