Pagharang sa dalawang resolusyon ng US Congress isinulong na sa Senado

by Powered by DWIZ
0 comment
Pagharang sa dalawang resolusyon ng US Congress isinulong na sa Senado

Isinulong sa Senado ang pagharang sa dalawang resolusyon ng US Congress na nananawagang palayain si Senador Leila De Lima.

Sa nasabing resolution ng US Congress binatikos din ang anito’y pag atake kay Rappler CEO Maria Ressa.

Batay sa Senate Resolution 1037 na inihain nina Senate President Vicente Sotto III, senador Panfilo Lacson at Senador Gregorio Honasan hindi makatarungang panghimasukan ng US Congress ang mga nangyayari sa Pilipinas lalo’t hindi naman ito anila colony ng Amerika.

Binigyang diin sa Senate resolution na nasa kamay ng korte ang kaso nina De Lima at Ressa.

with report from Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)

Related Posts