Paghalal sa susunod na House speaker ipauubaya na lamang ni Pangulong Duterte sa mga kongresista

by Powered by DWIZ
0 comment
Paghalal sa susunod na House speaker ipauubaya na lamang ni Pangulong Duterte sa mga kongresista

Matibay ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaubaya na lamang sa mga kongresista ang kanilang paghalal sa magiging leader ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa kabila ito ng ginawang pag endorso ng pangulo kay Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano na maging House speaker sa unang 15 buwan ng 18th Congress habang si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco naman ang papalit na speaker of the House sa nalalabing panahon ng 18th Congress.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bahagi ito ng pagrespeto ng punong ehekutibo sa co – equal rights ng mga sangay ng pamahalaan.

Anya, ginawa lamang ni Pangulong Duterte ang pag endorso matapos hingin mismo ng mga kongresista ang tulong nito.

“Vote on the speaker would lie on the members of the Congress. The only reason why the president gave the suggestion is because those vying for it went to him and sucked his wise direction to settle the row”. — Pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Related Posts