Pagdiriwang ng Araw ng Kalaayan pangkalahatang naging mapayapa – PNP

by Powered by DWIZ
0 comment
Pagdiriwang ng Araw ng Kalaayan pangkalahatang naging mapayapa – PNP

Naging pangkalahatang mapayapa ang ika-121 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Ito’y ayon sa pagtaya ng Philippine National Police (PNP) sa naging selebrasyon ng Araw ng Kalayaan, kahapon.

Ayon kay Police Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, wala silang natanggap na anumang ulat ng untoward incident sa kasagsagan ng kaliwa’t kanang programa sa bansa.

Gayunman, sinabi ni Banac na nananatili pa ring naka-alerto ang kanilang hanay para mapanatili ang kapayapaan.

Nakahanda pa rin aniya anumang oras ang PNP sa oras na magkaroon ng emergency.

Related Posts