Pagdinig sa Senado hinggil sa krisis sa tubig itinakda na

by Powered by DWIZ
0 comment
Pagdinig sa Senado hinggil sa krisis sa tubig itinakda na

Itinakda na sa susunod na linggo ang imbestigasyon sa nakaambang krisis sa tubig partikular na sa nararanasanang kakulangan sa suplay nito sa ilang bahagi ng Metro Manila at sa maraming sakahan sa bansa.

Ito, ayon kay Senadora Grace Poe, chairman ng Senate committee on public services ay dahil sa mga mamamayan na wala ng mainom at uhaw na rin sa paliwanag hinggil sa totoong sitwasyon ng water supply.

Itinakda ng senadora ang pagdinig sa ikalabing-siyam ng marso sa ganap na alas-diyes ng umaga hinggil sa naturang isyu.

Iimbitahan rin sa naturang pagdinig ang mga opisyal ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, mga head ng water concessionaires at iba pang stakeholders para talakayin ang nararanasang water supply interruptions.

Layon ng pagdinig na makabuo ng solusyon para maibsan ang epekto ng kakulangan ng suplay ng tubig at upang maiwasan na ang pagkakaroon muli ng ganitong uri ng krisis.

Related Posts