Pagdinig sa drug case ni De Lima hindi tuloy

Pagdinig sa drug case ni De Lima hindi tuloy

by Powered by DWIZ
0 comment 71 views

Hindi na matutuloy ang pagdinig sa drug case ni Sen. Leila De Lima, sa Hunyo 5.

Ito ay matapos maghain ng early retirement ni Judge Amelia Corpuz ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 256.

Matatandaang, si Corpuz ang humahawak sa kasong conspiracy to commit illegal drug trading na isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban kay De Lima.

Samantala, ito na ang ikalawang pagkakataon na naghain ng early retirement ang hukom na may hawak sa kaso ni De Lima, matapos ring mag-retiro ni Judge Patricia de Leon.

—–
0 comment

Related Posts