34.7 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Pagdami ng basura sa Metro Manila isang emergency situation – ayon sa DENR

- Advertisement -

Inamin ng DENR na isang emergency situation ang pagdami ng mga basura sa Metro Manila.

Ayon kay Environment Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns Benny D. Antiporda, nakakabahala na ang sangkaterbang basura na nakokolekta hanggang sa kasalukuyan matapos manalasa ang habagat sa Metro Manila.

Tinukoy ni Antiporda ang napakaraming basura na inanod ng malalaking alon ng manila bay patungong Roxas Boulevard nuong nakalipas na pag ulan.

Sinabi ni Antiporda na kailangang matugunan na ang problema sa basura sa lalong madaling panahon lalot ang mga kalat na ito ay isa rin sa pangunahing dahilan ng malawakang pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila.

Dahil dito umapela ang DENR sa local government units na tutukan na ang solid waste problema at turuan din ang kani kanilang mga constituent sa tamang pagtatapon ng mga basura.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -