33.3 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Pagdadala ng liquid bawal pa rin sa LRT 1 at 2

- Advertisement -

Nananatili pa ring bawal ang pagdadala ng anumang uri ng likido sa mga istasyon ng LRT 1 at 2, anuman ang dami nito.

Ito ang ginawang paglilinaw ng DOTr o Department of Transportation kasunod ng anunsyo ng MRT 3 na maaari nang magpasok ng tubig at iba pang klase ng liquid items basta’t hindi lalampas ng 100 milliliters.

Ayon sa DOTr, bumubuo pa lamang ng panuntunan ang Office of Transportation Security na kanilang ipatutupad sa lahat ng railway system.

Habang, hindi pa anila tapos ang nasabing guidelines, patuloy pa ring ipatutupad ang kaniya-kaniyang polisiya ng LRT at MRT.

Sa abiso ng Light Rail Manila Corporation na siyang nangangasiwa sa LRT 1, tanging pahihintulutan lamang nilang maipasok sa mga istasyon at breastmilk, feeding bottles, gamot, alcohol at pabango na dadaan sa security check.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -