PAGCOR nilinaw na walang Chinese firms ang nagpapatakbo ng POGO sa bansa

PAGCOR nilinaw na walang Chinese firms ang nagpapatakbo ng POGO sa bansa

by Powered by DWIZ
0 comment 32 views

Nilinaw ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na walang Chinese firm ang nagpapatakbo ng POGO dito sa bansa.

Ayon kay PAGCOR Senior Manager on Policy and Offshore Gaming Licensing Division Victor Padilla, hindi ito purong mga Chinese corporations dahil may kapartner itong mga local companies.

Aminado si Padilla na Chinese ang karamihan sa parokyano ng POGO ngunit hindi lamang ang mga Chinese sa Mainland kundi sa iba’t-ibang lugar sa mundo dahil kasama na sa kultura ng mga Tsino ang sugal.

Sa ngayon ay umaabot na sa 60 ang lisensyadong POGO dito sa bansa bago pa nagpalabas ng moratorium ang PAGCOR para sa mga bagong aplikasyon.

0 comment

Related Posts