Pagbuo ng Department of OFW minamadali na ni Duterte

by Powered by DWIZ
0 comment
Pagbuo ng Department of OFW minamadali na ni Duterte

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais na niyang mabuo ang Department of Overseas Filipino Workers (OFW) sa buwan ng Disyembre.

Ito mismo ang ipinangako ng pangulo sa kanyang talumpati sa “Araw ng Pasasalamat” para sa mga OFW sa Camp Gen. Emilio Aguinaldo sa Quezon City.

Ayon sa pangulo, naaprubahan na niya ang Department of OFW, kung saan sinabi rin nito na nakausap na niya si Labor Sec. Silvestre Bello III hinggil sa pagbuo ng naturang departamento.

Anya, malaki ang pangangailang sa pagbuo ng naturang departamento dahil sa dami ng problemang kinasasangkutan ng tinaguriang “modernong bayani” ng bansa.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Pangulong Duterte na hindi katanggap-tanggap ang pang-aabuso ng mga dayuhan sa mga OFW, kaya’t dapat lamang na bumuo ng isang ahensiya na tututok sa pangangailang ng mga ito.

Dagdag pa ng punong ehekutibo, magtatalaga rin ng police attache sa iba’t-ibang bansa para direktang makakahingi ng tulong ang mga OFW na masasangkot sa anumang problema.

Related Posts