Pagbitbit ng maliit na halaga ng marijuana legal na sa Hawaii

by Powered by DWIZ
0 comment
Pagbitbit ng maliit na halaga ng marijuana legal na sa Hawaii

Legal na ang pagbibitbit ng maliit na halaga ng marijuana sa Hawaii, estado ng Amerika.

Sa ilalim ng bagong batas, tinanggal na ang parusang pagkakakulong at multa sa mga mahuhulihan ng hanggang tatlong gramo ng marijuana.

Hindi nilagdaan at hindi rin i-vineto ni Governor David Ige ang naturang batas na magiging epektibo sa Enero 11 taong 2020.

Bukod sa Hawaii, mayroon pang 24 na estado sa Amerika ang nagpasa ng batas na kaugnay sa legalisasyon ng marijuana.

Related Posts