Pagbili ng DND ng P2-B halaga ng command and control jet hindi dapat masamain — Malakanyang

Pagbili ng DND ng P2-B halaga ng command and control jet hindi dapat masamain — Malakanyang

by Powered by DWIZ
0 comment 38 views

Hindi dapat intrigahin ang pagbili ng Department of National Defense o DND ng 2 bilyong pisong halaga ng command and control jet sa Estados Unidos.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi dapat masamain ang hakbang na ito ng pamahalaan kahit na para pa kay Pangulong Rodrigo Duterte at mga government officials ang naturang command and control jet.

Aniya, gagamitin lang naman ang bagong Gulfstream G280 Aircraft tuwing mayroong crisis situation.

Paliwanag ni Panelo, hindi pagwawaldas ang pagbiling ito ng presidential jet.

Depensa pa ni Panelo, hindi rin naman si Pangulong Duterte ang humiling na bumili ng nasabing jet kung saan sinabi nito na si Defense Sec. Delfin Lorenzana mismo ang pumirma sa naturang kontrata noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Panelo na ang pagbili ng pamahalaan ng jet sa U.S. ay patunay na nananatiling maganda ang relasyon ng Pilipinas sa Amerika.

Sa ngayon, nakatakda namang ideliver sa bansa ang biniling jet ng Pilipinas sa darating na August 2020.

0 comment

Related Posts