Pagbibigay serbisyo publiko ng pamahalaan, pag-iibayuhin — Palasyo

Pagbibigay serbisyo publiko ng pamahalaan, pag-iibayuhin — Palasyo

by Powered by DWIZ
0 comment 29 views

Target ng Malakaniyang na mas mapag-ibayo pa ang pagbibigay ng serbisyo publiko ng iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan.

Ito ang naging pahayag ng palasyo matapos bumagsak ang net satisfaction ratings ni Pangulong Duterte sa pinakahuling survey ng social weather stations.

Nakatanggap kasi ang Pangulo ng plus 65% nuong Setyembre mas mababa ito kumpara sa plus 68% nuong Hunyo.

Gayunman, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo, maituturing na mataas pa rin ang resulta ng survey na nagpapatunay aniya na kuntento pa rin ang taumbayan sa performance ng pangulo.

Dagdag pa ni Panelo, hindi naman apektado at di iniintindi ng pangulo ang mga survey dahil tinututukan lamang niya ang pangangalaga sa buhay ng bawat Pilipino.

0 comment

Related Posts