Pagbasura sa kasong administratibo vs. ex-Makati Mayor Binay pinagtibay ng korte

by Powered by DWIZ
0 comment
Pagbasura sa kasong administratibo vs. ex-Makati Mayor Binay pinagtibay ng korte

Pinagtibay ng Court of Appeals ang pagbasura nito sa kasong administratibo laban kay dating Makati City Mayor Junjun Binay kaugnay ng umano’y maanomalyang Makati City Hall Building 2 project.

Ginamit na basehan ng appellate court sa kanyang ruling ang tinatawag na “condonation doctrine” kung saan pinapatawad na ang isang opisyal ng gobyerno  na muling mahahalal sa pwesto.

Nag-ugat ang kaso laban kay Binay sa P2.28-billion na halaga ng Makati City Hall Building.

Noong Oktubre 2015, tinanggal ng Ombudsman si Binay sa pwesto matapos mahatulaang guilty sa kasong grave misconduct at intellectual dishonesty nang itayo ang kontrobersyal na gusali.

Binaligtad ng CA ang dismissal ni Binay sa serbisyo noong may 2018 gamit ang condonation doctrine.

Si Binay ay nahalal bilang mayor ng Makati noong 2010 at muling nahalal na alkalde noong 2013.

Related Posts