Pagbasa ng sakdal kay Maria Ressa sa kasong cyberlibel ipinagpaliban

by Powered by DWIZ
0 comment
Pagbasa ng sakdal kay Maria Ressa sa kasong cyberlibel ipinagpaliban

Ipinagpaliban ng Manila Regional Trial Court ang pagbasa ng sakdal kay Maria Ressa at dating reporter nito sa Rappler.

Sina Ressa at Reynaldo Santos Jr. ay nakatakda sanang isalang sa arraignment ngayong araw na ito sa kasong cyberlibel.

Gayunman, pinagbigyan ng ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ang depensa na maghain ng motion for reconsideration sa pagkakabasura ng kanilang motion to quash nitong nakaraang linggo.

Dahil dito, muling itinakda ni Judge Montesa ang pagbasa ng sakdal kina Ressa at Santos sa Mayo 17.

—-

 

 

 

 

Related Posts