35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Pagbaba ng unloading incident sa MRT-3 ipinagmalaki

- Advertisement -

Ipinagmalaki ng pamunuan ng Metro Rail Transit ang pagbaba ng naitatalang unloading incident sa MRT-3 ngayong 2019 kumpara nuong mga nakaraang taon.

Ito’y sa gitna ng isinasagawang malawakang rehabilitasyon na nagsimula nuong Mayo.

Ayon sa MRT, mula Enero 1 hanggang Setyembre 12 ngayong taon ay umabot lamang sa 18 unloading incidents. Higit itong mababa kumpara sa 480 sa kaparehas na panahon nuong 2016.

Anila, hindi kasi sila nagpapatakbo ng tren na depektibo o sira dahil mahalaga ang kaligtasan ng mga pasahero.

Ipinatigil umano ng MRT-3 ang dati nang nakagawiang “force deployment ” ng dating maintenance providers kung saan kahit sirain man o hindi, dahil nababayaran ang mga ito nuon, batay sa numero ng tren patatakbuhin ang mga ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -