32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pag-uwi sa bansa ng NDFP peace panel kumpirmado na

- Advertisement -

Kumpirmado na ang pag-uwi sa bansa ng peace panel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa pangunguna ni Chief Negotiator Fidel Agcaoili.

Ayon kay Agcaoili, sasamahan sila sa kanilang pag-uwi ni NDF Senior Adviser Luis Jalandoni.

Sinabi ni Agcaoili na bukas sila sa oportunidad na makaharap ang Pangulong Rodrigo Duterte, maliban na lamang kung tatanggi ito o kaya ay tumutol ang militar.

Una rito, inihayag ng Pangulo na hiniling sa kanya nina Agcaoili at Jalandoni na makaharap sya ngayong Nobyembre.

Gayunman, sinabi ng Pangulo na ihahayag niya pagkatapos ng kanyang biyahe sa Singapore sa susunod na linggo kung pagbibigyan niya ang kahilingan ng NDF.

Una nang kinansela ng Pangulo ang peace talks sa NDFP at ipinadedeklara pang teroristang grupo ang New People’s Army (NPA), ang armadong grupo ng NDFP.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -