Pag-uugnay sa CPP sa pag-iimbestiga ng UNHRC sa ‘war on drugs’ sa Pinas pinabulaanan

Pag-uugnay sa CPP sa pag-iimbestiga ng UNHRC sa ‘war on drugs’ sa Pinas pinabulaanan

by Powered by DWIZ
0 comment 91 views

Pinabulaanan ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang alegasyong nag-uugnay sa kanilang grupo sa pag-iimbestiga ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa kampanya kontra iligal na droga ng Administrasyong Duterte.

Ito ay matapos sabihin ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na ang CPP ang posibleng nasa likod ng paghahain ng resolusyon sa UNHRC para imbestigahan ang mga kaso ng pagpatay sa ilalim ng war on drugs.

Ayon sa CPP, labis na nakakatawa ang naging pahayag ni Albayalde.

Patunay lamang anila ito sa pagiging desperado ng anila’y mga “minion” ni Pangulong Rodrigo Duterte para lamang maitago ang katotohanan.

Dagdag ng CPP, ginagawa na ng pamahalaan ang lahat ng mga hangal na hakbang tulad ng pag-iimbento ng mga sitwasyon at maging pag-uugnay sa UNHRC sa mga rebeldeng komunista.

0 comment

Related Posts