Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Pag ugnay sa ilang media organizations sa umano’y destab plot kay Duterte pinalagan ni Ressa

Pinalagan ni Rappler CEO Maria Ressa ang inilabas na matrix ng Malacañang kung saan inu-ugnay ang ilang media organization ng umano’y destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Malacañang na kabilang ang Rappler sa nasabing matrix ng mga mamamahayag at media organization na nagbabalak pabagsakin at patalsikin si Pangulong Duterte sa pwesto.

Paliwanag ni Ressa, hindi maganda ang pagsisinungaling ng gobyerno sa pamamagitan ng paglalabas ng mga hindi beripikadong report.

Maliban sa Rappler, kabilang rin sa matrix ng naturang destabilization plot ang PCIJ o Philippine Center for Investigative Journalism, NUPL o National Union of People’s Lawyers at Vera Files.

Samantala, hindi naman tinukoy ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pinang-galingan ng naturang ulat na inilabas ng Malacañang.


Pag ugnay sa NUPL sa umano’y ouster plot kay Duterte tinawag na “illogical at katawa tawa” ni Zarate

“Illogical at katawa tawa.”

Ito ang reaksyon ni Bayan Muna Party List Representative Isagani Zarate matapos i ugnay ang kanilang human rights lawyers o ang NUPL o National Union of People’s Lawyers sa umano’y ouster plot laban sa Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Zarate na puro ito kasinungalingan at walang pagkakaiba sa red october plot noon na gawa gawa lamang ng miltar at kalaunan ay napatunayang peke talaga.

Palagi na lamang aniyang nabubunyag ang kalokohan ng administrasyon kaya’t idinadawit ang mga kritiko nito sa mga umano’y planong pagpapatalsik sa nakaupong gobyerno.

Kasama rin sa sinasabing ouster plot ang Rappler, Vera Files at PCIJ o Philippine Center for Investigative Journalism na umano’y nakikipagsabwatan sa mga maka kaliwa para maisakatuparan ang plano.

Contributor: Judith Estrada- Larino

Related posts

Mga nakalayang convicts sa bisa ng GCTA may hanggang ngayong araw na lamang para sumuko

Powered by DWIZ

Malakanyang hindi pababayaan ang mga lokal na magsasaka na apektado sa rice tariffication law

Powered by DWIZ

Security advisory ng U.S. sa NAIA binawi na

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More