30.2 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pag-takeover ng militar sa BOC legal daw

- Advertisement -

Nanindigan ang Malakanyang na legal at naaayon sa konstitusyon ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-take over ng militar ang Bureau of Customs (BOC).

Ito’y matapos sibakin ni Pangulong Duterte ang halos lahat ng opisyal at tauhan ng ahensya.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakasaad sa saligang batas na may karapatan at kontrol ang isang pangulo sa lahat ng tanggapan sa ehekutibo at kabilang nga rito ang BOC.

Bilang commander in chief naman aniya ay may kapangyarihan si Pangulong Duterte na atasan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kung anomang tungkulin na alam niyang makakabuti para sa nakararami.

Gayunman nilinaw ni Panelo na pansamantala lamang ang mga itatalagang military personnel sa customs.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -