32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Pag-imprenta ng halos 1M balota para sa overseas voting natapos na

- Advertisement -

Tinatayang aabot sa isang milyong balota para sa overseas voting ang natapos nang maimprenta ng Commission on ElectionS o Comelec na gagamitin sa Abril 13, isang buwan bago naman ang aktuwal na botohan sa Pilipinas sa Mayo 13.

Medyo maliit lamang daw ang mga balota na gagamitin ng mga overseas voters dahil pangalan lamang ng mga senatoriables at party-list groups ang nakalagay dito.

Samantala, sinabi naman ni Comelec spokesman James Jimenez na tuloy-tuloy parin ang kanilang pag-imprenta ng mga balotang gagamitin  para sa nalalapit na 2019 midterm elections.

Nagpapatuloy din aniya ang huling pagtesting sa mga vote counting machines o VCM na inaasahang ipadadala sa mga probinsya sa huling linggo ng Abril.

Una aniyang padadalhan ng VCM ang rehiyon ng Mindanao.

Inihayag pa ni Jimenez, na wala pang ibinibigay sa kanilang listahan ang Philippine National Police o PNP para sa rekomendasyon nito kaugnay sa mga karagdagang lugar na nasa ilalim ng Comelec control, maliban na lamang sa Daraga, Albay at Cotabato City.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -