30.6 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Pag-credit kay Duterte bilang dahilan ng pagsauli ng Balangiga bells isang fake news

- Advertisement -

Tinawag na fake news ng French News Agency na Agence France Press ang inilabas na artikulo ng isang news agency dito sa Pilipinas.

Ito’y makaraang sabihin sa ulat na kaya ibinalik ng mga Amerikano sa Pilipinas ang Balangiga bells ay dahil na rin kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinasabing ang kumakalat na fake report ay mula sa artikulong inilabas ng ABS-CBN News noon pang Disyembre 11 kung saan, pinalitan ng pahayag umano ni US Diplomat Daniel Russel ang huling dalawang talata sa orihinal na ulat.

Nakasaad kasi sa orihinal na ulat ng ABS-CBN News ang mensahe ni US Ambassador to the Philippines Sung Yun Kim habang nabatid na hinango sa 2014 article ng Xinhua News ang ilan pang larawan sa ipinakalat na pekeng artikulo.

Nilinaw naman ng US Embassy sa Pilipinas na hindi na diplomat si Russel at matagal na umano itong walang kaugnayan sa embahada.

Ang naturang ulat ay nakakuha ng mahigit 6,000 shares sa Facebook kung saan, karamihan sa mga ito ay ipinakalat ng mga grupo na sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -