34.7 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Pag-absuwelto kay Mikey Arroyo sa kasong tax evasion kinatigan ng SC

- Advertisement -

Kinatigan ng Korte Suprema ang pag-absuwelto ng Court of Tax Appeals sa milyun-milyong pisong halagang tax evasion case ni dating Pampanga Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo.

Ito ay dahil sa kabiguan ng Bureau of Internal Revenue o BIR na tukuyin ang punot dulo ng unreported at undeclared income ng dating mambabatas at anak ng ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Matatandaan na inakusahan ng BIR si Mikey Arroyo ng attempt to evade or defeat tax liabilities sa pamamagitan ng hindi pagdedeklara nito ng kanyang kita mula 2004 hanggang 2006 at ang hindi rin paghahain nito ng income tax return o ITR para sa taong 2007.

Natuklasan din ng BIR na batay sa statement of assets, liabilities and net worth ni Mikey, lumalabas na meron siya at ang kanyang asawa na pagmamay-aring bahay sa iba’t ibang subdibisyon sa Pampanga at Quezon City pero bigong isumite at ideklara sa ITR nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -