Pag-aaral sa Implementing Rules And Regulations ng GCTA isusumite ngayong araw — Usec Marco

Pag-aaral sa Implementing Rules And Regulations ng GCTA isusumite ngayong araw — Usec Marco

by Powered by DWIZ
0 comment 15 views

Isusumite na ng Joint Committee ng Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government  (DILG) ang resulta ng kanilang pag aaral sa Implementing Rules and Regulations ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ayon kay Justice Undersecretary Deo Marco, anumang oras ngayong araw ay ibibigay na nila kina Justice Secretary Menardo Guevarra at Interior Secretary Eduardo Año ang resulta.

Hindi muna inihayag ni Marco ang nilalaman ng naturang report.

Aniya, rerebisahin ito ng dalawang kalihim at saka pa lamang isasa-publiko.

Matatandaang naglabas ng Joint Department Order ang dalawang ahensya para magbuo ng isang joint committee na magre-review sa GCTA.

0 comment

Related Posts