Pacquiao tumulak na patungong U.S para sa paghahanda sa laban niya kontra Thurman

Pacquiao tumulak na patungong U.S para sa paghahanda sa laban niya kontra Thurman

by Powered by DWIZ
91 views

Umalis na kagabi patungong Estados Unidos si Pambansang Kamao Sen. Manny ‘Pacman’ Pacquiao kasama ang training team nito para ipagpatuloy doon ang ensayo para sa nalalapit nitong laban kontra Keith Thurman.

Diretso sa Los Angeles, California ang Team Pacquiao kung saan naghihintay na sa wild card gym si Coach Freddie Roach.

Inaasahang tututukan sa training ng pambansang kamao ang higit na pagpapalakas ng kanyang road work at foot works.

Sinabi naman ng strength at conditioning coach ni Pacquiao na si Justin Fortune na kasado na rin ang dekalidad na sparring partner ng “fighting senator.”

Inihayag naman ni Head Coach Buboy Fernandez, sa ngayon nasa 75 percent na ang improvement ng kondisyon ni Pacman at patuloy aniya itong gumaganda.

Nakatakdang magharap sina Pacquiao at Thurman sa July 21 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.

0 comment

Related Posts