P9-M halaga ng cocaine nalambat sa NAIA

P9-M halaga ng cocaine nalambat sa NAIA

by Powered by DWIZ
0 comment 65 views

P9-M halaga ng cocaine ang nakuha sa isang Indonesian sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kagabi.

Ayon kay airport customs district collector Carmelita Talusan, nakuha sa bagahe ni Agus Burhan ang 1.6 na kilo ng cocaine.

Nadiskubre ang droga sa isang sikretong compartment matapos na dumaan sa isinagawang random check.

Ang suspek ay sakay ng eroplano ng Qatar Airways Flight mula sa Doha.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa dayuhan.

with report from Raoul Esperas (Patrol 45)

0 comment

Related Posts