30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

P4.1-T proposed 2020 nat’l budget hindi lalagdaan ng pangulo kung labag sa batas —Panelo

- Advertisement -

Hindi lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.1-T pesos na proposed 2020 national budget kung ito ay labag sa saligang batas.

Ito ang binigyang diin ni presidential spokesman Salvador Panelo, matapos isiwalat ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na makatatanggap ng P100M ang mga kongresista para sa kanilang mga proyekto sa ilalim ng 2020 proposed national budget.

Paliwanag ni Salceda, na siya rin namang tumatayong chairman ng House Committee on Ways and Means, sa P100M nakalaan para sa mga mambabatas; P70M piso dito ay nakalaan para sa mga infrastructure projects at ang P30M naman ay para sa medical at educational assistance.

As defined by the Supreme Court, there is none (Pork sa budget ng mga mambabatas). Naka itemized naman yan (budget). There is no such thing as non-itemized expenditure,” —Rep. Joey Salceda

Dahil dito, sinabi ni Panelo na hihintayin muna ni Pangulong Duterte na maisumite sa kaniyang tanggapang ang panukala, at ivi-veto niya ito kung labag ito sa konstitusyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -