P30-M ipinangakong reward sa Batocabe slay case inapela ni Pangulong Duterte

by Powered by DWIZ
0 comment
P30-M ipinangakong reward sa Batocabe slay case inapela ni Pangulong Duterte

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kongresista na nangakong magbibigay ng P30 million pabuya sa sinumang makapag bibigay ng impormasyon sa pagpatay kay Ako Bicol Party list Representative Rodel Batocabe.

Ayon kay Pangulong Duterte, napag alaman niya mula kay PNP Chief Oscar Albayalde na hindi pa natatanggap ng pulisya ang ipinangakong reward money ng mga kongresista.

Kaugnay nito, ibinida rin naman ng pangulo na agad niyang ibinigay sa PNP ang kanyang pangakong P20 million pabuya matapos maaresto ang mga suspect.

Matatandaang, nasawi si Batocabe nuong Disyembre ng nakaraang taon matapos itong pagbabarilin sa isang gift giving event sa Daraga, Albay.

Sa ngayon, umaasa naman si Pangulong Duterte na tutuparin ng mga kongresista ang kanilang pangako sa lalong madaling panahon.

Related Posts