5 dead, 22 missing, 14 survived from Natonin tragic landslide
October 31, 2018
DOH nagpalabas ng advisory para sa ‘Undas’
October 31, 2018
Show all

P30-M halagang radar station ipapatayo sa Boracay

Magpapatayo ang Philippine Coast Guard ng tatlumpung milyong pisong halaga ng radar station sa Boracay.

Ayon sa Coastguard, ang radar station ay ilalagay sa tuktok ng Mount Luho sa barangay Balabag upang ma-monitor kaagad ang galaw ng mga barko at iba pang sasakyang pandagat at mapigil ang posibleng pagpasok ng mga terorista sa isla.

Inaasahang sa June 2019 ay matatapos na at tuluyang magagamit ang Boracay radar station.

Ang nasabing radar station ay isa lamang sa dalawampu pang ilalagay sa mga tinaguriang critical area lalo na sa mindanao at iba pang tourist spots sa rehiyon.

Samantala, handa nang i-deploy ang dalawandaan at labing limang lifeguards na una nang nag training para bantayan ng kaligtasan ng mga turista sa Boracay.

Comments are closed.